其他语文内容(菲律宾文)
Ang Nilalaman na nasa Ibang mga Wika
以菲律宾文提供的资讯
医务卫生局网页的少数族裔语言版本只选取部分重要资讯。要查阅我们网站的全部资讯,可浏览英文版、繁体中文版或简体中文版。
Impormasyon sa wikang Tagalog
Ang bersyon ng wikang etniko minorya sa Homepage ng Kawanihan ng Kalusugan ay naglalaman lamang ng mga piling mahahalagang impormasyon. Mababasa mo ang buong nilalaman ng aming websayt sa Ingles, Tradisyonal na Tsino o Pinasimpleng Tsino.
Pagbati
"Maligayang pagbati sa Homepage ng Kawanihan ng Kalusugan ng Pamahalaan ng Espesyal na Administratibong Rehiyon ng Hong Kong.
Ang Kawanihan ng Kalusugan ay nakatuon sa pagtataguyod at pagprotekta sa kalusugan ng lahat ng mga mamamayan sa Hong Kong. Sinisikap rin naming tiyakin na ang mga serbisyong medikal at sistema ng pangangalagang pangkalusugan sa Hong Kong ay may mataas na kalidad.
Sa harap ng mga hamon na dulot ng tumatandang populasyon, kakulangan ng tauhan sa pangangalagang pangkalusugan at mga umuusbong na sakit, ang ating sistema ng pangangalagang pangkalusugan ay dapat makasabay sa panahon, gumamit ng mahusay na teknolohiya at magpatuloy sa reporma at pagbabago upang makayanan ang lumalaking pangangailangan ng serbisyo ng komunidad. Samantala, kailangan rin nating lubos na magamit ang mga pakinabang sa Hong Kong sa larangan ng pangangalagang pangkalusugan upang isulong ang pagbabago at pakikipagtulungan sa pangangalagang pangkalusugan sa Greater Bay Area."
Pagsusulong ng Pagkakapantay-pantay ng Lahi
Talaan ng mga hakbang na ginawa ng Kawanihan ng Kalusugan
Mga taunang istatistika sa mga serbisyong interpretasyon at pagsasalin na inayos ng Kawanihan ng Kalusugan
Pangunahin at Pangkomunidad na Pangangalagang Pangkalusugan
Kalusugang Pangkaisipan - Sentro ng Kagalingan ng mga Etniko Minorya
Ipinakilala ito sa "2022 Talumpati ng Patakaran ng Punong Ehekutibo" upang magpatayo ng isang sentro ng serbisyo sa isang pagsubok na batayan upang magbigay ng mga serbisyong emosyonal na suporta at pagpapayo para sa mga etniko minorya. Ang sentro ng serbisyo ay nagsimulang maglingkod sa mga etniko minorya mula sa katapusan ng 2023. Sinusuportahan ng isang pangkat ng iba't-ibang propesyonal na binubuo ng mga panlipunang manggagawa, tagapayo at mga kawani ng suporta na marunong sa mga wika ng etniko minorya, ang sentro ng serbisyo ay nagbibigay ng mga serbisyong emosyonal na suporta at pagpapayo sa mga etniko minorya at tumutukoy sa mga kaso sa iba pang mga plataporma ng serbisyo para sa karagdagang suporta at/o paggamot kung kinakailangan.
Ang sentro ng serbisyo ay pinamamahalaan ng Zubin Mahtani Gidumal Foundation Limited. Ang mga miyembro ng publiko ay maaaring tumawag sa hotline ng sentro sa 9682 3100 para sa impormasyon, o i- click dito (ang mga nilalaman ay mababasa lamang sa Ingles) upang matuto nang higit pa tungkol sa sentro ng serbisyo.
Pangunahing Healthcare Development
(Ang bersyon ng wikang etniko minorya sa Homepage ng Kawanihan ng Kalusugan ay naglalaman lamang ng mga piling mahahalagang impormasyon. Mababasa mo ang buong nilalaman ng aming websayt sa Ingles, Tradisyonal na Tsino o Pinasimpleng Tsino.)
(Ang bersyon ng wikang etniko minorya sa Homepage ng Kawanihan ng Kalusugan ay naglalaman lamang ng mga piling mahahalagang impormasyon. Mababasa mo ang buong nilalaman ng aming websayt sa Ingles, Tradisyonal na Tsino o Pinasimpleng Tsino.)
(Ang bersyon ng wikang etniko minorya sa Homepage ng Kawanihan ng Kalusugan ay naglalaman lamang ng mga piling mahahalagang impormasyon. Mababasa mo ang buong nilalaman ng aming websayt sa Ingles, Tradisyonal na Tsino o Pinasimpleng Tsino.)
(Ang bersyon ng wikang etniko minorya sa Homepage ng Kawanihan ng Kalusugan ay naglalaman lamang ng mga piling mahahalagang impormasyon. Mababasa mo ang buong nilalaman ng aming websayt sa Ingles, Tradisyonal na Tsino o Pinasimpleng Tsino.)
Pangalawa/Pangatlong Pangangalagang Pangkalusugan
Madiskarteng Pagbili
Inihayag ng 2022 Talumpati ng Patakaran ang planong magtatag ng Tanggapan ng Madiskarteng Pamimili para sa pakikipag-ugnayan ng mga pangunahing serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan na ibibigay sa komunidad sa pamamagitan ng pribadong sektor ng pangangalagang pangkalusugan. Sa layuning ito, ang Tanggapan ng Madiskarteng Pamimili ay itinatag sa ilalim ng Kawanihan ng Kalusugan noong Nobyembre 2022 upang pangasiwaan ang pagbuo at pagpapatupad ng mga programa sa madiskarteng pamimili. Sa pagsasagawa ng dalawang tungkulin, ang Tanggapan ng Madiskarteng Pamimili ay nagsisilbing:
a. isang bisig ng ehekutibo ng Kawanihan sa pamamagitan ng pagsuporta sa Kawanihan sa antas ng patakaran sa pagbuo at pagpapatupad ng programa ng Madiskarteng Pamimili; at
b. isang karaniwang plataporma upang suportahan at mamahala sa programa ng Madiskarteng Pamimili;
at gumaganap ng mga sumusunod na tungkulin:
a. Upang gamitin ang madiskarteng pamimiili bilang isang instrumento upang bumili ng mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan mula sa pribadong sektor sa pamamagitan ng subsidiya at modelo ng kabilang sa pagbayad sa ilalim ng umiiral na dalawahang-daang sistema ng pangangalaga sa kalusugan ng Hong Kong upang makapagbigay ng karagdagang mga pagpipilihan sa serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa mga indibidwal at pamilya upang makamit ang pinakamalaking benepisyo sa kalusugan para sa mga mamamayan at kahusayan ng sistema;
b. upang tukuyin kung aling mga serbisyong pangkalusugan ang bibilhin kung kanino, paano dapat bayaran ang mga serbisyong pangkalusugang ito, sa anong halaga ang dapat bayaran, subsidiya ng Pamahalaan, kabilang sa pagbayad ng kalahok at mga mekanismo ng insentibo;
c. upang magdisenyo ng mga mekanismo ng insentibo sa paghikayat sa mga gumagamit at tagapagbigay ng serbisyo ng pangangalagang pangkalusugan na gamitin at magbigay ng serbisyong pangangalagang pangkalusugan na nakabatay sa ebidensya nang naaangkop, upang matugunan ang mga pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan at mapahusay ang mga benepisyong pangkalusugan;
d. upang bumuo at maglunsad ng isang karaniwang plataporma upang mapadali ang pinagsama-samang pagbili ng mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan, kabilang ang pagsasama-sama ng umiiral na Awtoridad ng Ospital at mga programa ng pampubliko at pribadong pakikipagsosyo ng Kagawaran ng Kalusugan, at bumuo ng mga inisyatiba upang matugunan ang direksyon ng patakaran sa kalusugan;
e. upang isama ang sistema ng Iskema ng Voucher sa Pangangalagang Pangkalusugan ng Matatanda sa estratehikong pamimili upang mapakinabangan ang pagsasama-sama ng mapagkukunan at kahusayan sa paggamit;
f. magsagawa ng tuloy-tuloy na pagsubaybay at pagtatasa ng mga programa sa estratehikong pamimili na may layuning matiyak ang pagkamit ng mga layunin ng programa at mahusay na paggamit ng mga mapagkukunan; at
g. upang magpatayo ng isang listahan ng mga riseta ng gamot sa komunidad na may laman ng halaga ng gamot at mapahusay ang pagkuha sa gamot sa estratehikong programa sa pagbili sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng kapangyarihan sa pagbili sa Awtoridad ng Ospital.
Medisnang Tsino
Yunit ng Tsinong Gamot
Itinatag noong 2018, ang Yunit ng Tsinong Gamot (CMU) ay isang dedikadong yunit na responsable para sa pag-uugnay at pagtataguyod ng pagpapaunlad ng Tsinong gamot sa Hong Kong sa antas ng patakaran. Sa pamumuno ng Komisyoner sa Pagpapaunlad ng Tsinong Gamot, ang CMU ay isinaayos sa apat na seksyon –
Seksyon sa Pagpapaunlad ng Patakaran
-Mga usapin sa patakaran kaugnay ng pangkalahatang pagpapaunlad ng Tsinong gamot sa Hong Kong, kabilang ang paglalagay ng Tsinong gamot sa sistema ng pangangalaga ngpangkalusugan at ang pangkalahatang mga diskarte sa pagpapaunlad ng Tsinong gamot;
-Koordinasyon ng konsultasyon at pagbabalangkas ng isang plano sa pagpapaunlad ng Tsinong gamot at ang mga pasunod na aksyon nito;
-Mga usapin sa patakaran kaugnay ng pagbabalangkas ng pambatasan sa Tsinong gamot;
-Mga usapin sa patakaran kaugnay ng pagbuo ng Ospital ng Tsinong Gamot at ng Pampahalaang Institusyong Pag-eksamina ng Tsinong Gamot;
-Mga bagay na may kaugnayan sa pagpapatupad at pagpapahusay ng Pondo sa Pagpapaunlad ng Tsinong Gamot; at
-Mga usapin sa housekeeping at sentral na pangangasiwa ng CMU.
Seksyon ng Serbisyong Pagpapaunlad
-Mga usapin sa patakaran kaugnay ng pagbuo, pagpopondo at pagpapatupad ng mga serbisyo ng Tsinong gamot na tinutustusan ng Pamahalaan (kabilang ang -Mga Klinika ng Tsinong Gamot kasama ng Mga Sentro ng Pagsasanay at Pananaliksik , Pinagsama-samang mga serbisyo ng Tsinong Gamot-Pangkanluran at iba pang mga bagong serbisyo);
-Mga bagay na may kaugnayan sa paggamit ng impormasyon ng teknolohiya ng sektor ng Tsinong gamot;
-Pagsuporta ng Sekretarya sa Komite ng Pagpapaunlad ng Tsinong Gamot (pinamumunuan ng Kalihim para sa Kalusugan); at
-Upang suportahan ang Seksyon ng Pagpapaunlad ng Patakaran ng CMU sa paghawak ng housekeeping at sentral na pangangasiwa ng CMU.
Seksyon ng Propesyunal na Pagpapaunlad
-Propesyonal na suporta at pagpapayo sa ibang mga seksyon ng CMU sa larangan ng pagsasanay ng Tsinong gamot at mga gamot ng Tsino;
-Mga usapin sa patakaran kaugnay ng regulasyon at propesyonal na pagpapaunlad ng mga praktisyoner ng Tsinong gamot;
-Mga usapin sa patakaran kaugnay ng regulasyon at propesyonal na pagpapaunlad ng mga mangangalakal ng Tsinong gamot at mga kaugnay na tauhan; at
-Mga usapin sa patakaran kaugnay ng edukasyon, pagsasanay at pananaliksik at pagpapaunlad ng Tsinong gamot.
Pampublikong Edukasyon at Seksyon ng Pag-uugnay ng Stakeholder
-Mga usapin sa patakaran kaugnay ng mga hakbang sa pagpapadali ng kalakalan sa Tsinong gamot;
-Pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan sa lokal, Mainland (kabilang ang Greater Bay Area) at mga internasyonal na stakeholder;
-Pagbubuo at pagpapatupad ng Mainland (kabilang ang Greater Bay Area) na mga inisyatiba ng kooperasyon;
-Pagbubuo at pagpapatupad ng pampublikong edukasyon at mga estratehiya sa paglathala para sa pagtataguyod ng Tsinong gamot;
-Pagtaguyod ng karagdagang pagpapaunlad ng sektor ng Tsinong gamot ng Hong Kong sa mga pamilihan sa labas ng Hong Kong; at
-Suporta sa lokal, Mainland at internasyonal na mga kaganapan at kumperensya sa Tsinong gamot.
Proyekto ng Ospital ng Medisinang Tsino
Gaya ng inihayag sa 2013 Talumpati ng Patakaran ng Punong Ehekutibo, nagpasya ang Pamahalaan na magreserba ng isang lugar sa Tseung Kwan O, na orihinal na inilaan para sa pagpapaunlad ng pribadong ospital, upang magpatayo ng ospital ng medisinang Tsino. Bilang karagdagan, inihayag ng Pamahalaan sa 2018 Talumpati ng Patakaran ng Punong Ehekutibo na ang Medisinang Tsino ay isasama sa sistema ng pangangalagang pangkalusugan sa Hong Kong sa pamamagitan ng pagbigay ng subsidiya ng pamahalaan sa tinukoy na mga serbisyo ng medisinang Tsino, kabilang ang kumbinasyon ng inpatient at outpatient na may subsidiya ng pamahalaan. mga serbisyong inaalok ng hinaharap na ospital ng medisinang Tsino.
Upang isulong ang pagpaplano at pagpapaunlad ng proyekto sa ospital ng medisinang Tsino, isang itinalagang tanggapan i.e. ang Tanggapan ng Proyekto sa Ospital ng Medisinang Tsino ay itinatag sa ilalim ng Kawanihan ng Kalusugan (ang dating Kawanihan ng Pagkain at Kalusugan) noong ika-2 ng Mayo 2018.
Ang ospital ng medisinang Tsino ay itinayo ng Pamahalaan at pinapatakbo sa ilalim ng modelo ng pampubliko at pribadong pakikisosyo. Noong 2021, napili ang Hong Kong Baptist University sa pamamagitan ng mga pamamaraan ng pagalok bilang Kontraktor para sa operasyon ng ospital ng medisinang Tsino. Sa parehong taon, isinama ng Hong Kong Baptist University ang Hong Kong Baptist University Chinese Medicine Hospital Company Limited bilang Operator. Ang Hong Kong Baptist University at ang Operator ay nagtutulungan mula noon sa mga gawain sa pagkomisyon ayon sa itinakda sa contrata ng serbisyo.
Para sa higit pang mga detalye, mangyaring bisitahin ang mga pahina ng websayt sa Proyekto ng Ospital ng Medisina ng Tsino (Ang mga nilalaman ay mababasa lamang sa Ingles, Tradisyonal na Tsino at Pinasimpleng Tsino).
Pondo sa Pagpapaunlad ng Tsinong Gamot
Kabilang sa mga layunin ng Pondo sa Pagpapaunlad ng Tsinong Gamot ang pahusayin ang pangkalahatang pamantayan ng industriya, upang pagyamanin ang talentong kinakailangan para sa pagpapaunlad ng Ospital ng Tsinong Gamot, upang isulong ang siyentipikong pananaliksik na nauugnay sa Tsinong Gamot at upang pahusayin ang kaalaman at pang-unawa ng publiko sa Tsinong Gamot.
Ang Pondo ay naglalayon na makinabang ang mga praktisyoner at institusyon sa lahat ng antas sa Tsinong Gamot at mga sektor ng gamot sa Tsinong Gamot, kabilang ang pagsasanay sa mga praktisyoner ng Tsinong Gamot (na sumasaklaw sa parehong nakarehistro at nakalistang mga praktisyoner ng Tsinong Gamot), mga nauugnay na propesyonal sa pangangalaga ng pangkalusugan at mga taong nakikibahagi sa industriya ng gamot sa Tsinong Gamot. Inaasahan din na makikinabang sa Pondo ang mga klinika ng Tsinong Gamot, tagagawa at mamamakyaw ng mga Tsinong gamot, nagbebenta ng tingi at mamamakyaw ng herbal ng Tsinong gamot, unibersidad, at organisasyong nauugnay sa Tsinong Gamot, asosasyon ng kalakalan at istitusyon ng pananaliksik, atbp. Isang Komite ng Pagkokonsulta na responsable sa pangangasiwa at pagsusuri sa mga iskema ng pagpopondo sa ilalim ng Pondo ay nabuo na noong ika-1 Marso 2019. Ang Konseho ng Pagiging Produktibo ng Hong Kong ay ang kasosyo sa pagpapatupad para sa Pondo. Ang pondo ay opisyal na inilagay sa operasyon noong Hunyo 2019.
Para sa higit pang mga detalye, mangyaring bisitahin ang websayt ng Pondo sa Pagpapaunlad ng Tsinong Gamot. (Naglalaman lamang ng mga wikang Ingles, Tradisyunal na Tsino at Pinasimpleng Tsino.)
Imprastraktura ng Kalusugan